"Puno" Ka ng Alaala
![]() |
(c) Marienelle Daet Del Puso | Pili tree Purok 3 Malangto, Nagotgot, Manito, Albay. |
"Puno" Ka ng Alaala
Ito'y pagbalik-tanaw sa mga panahong sa paanan mo ako laging patungo,
Hindi upang may makasama, ngunit upang mapag-isa.
At madalas, may luha pa't bigat,
Minsan nama'y tahimik lang na nakatingala.
Bagama't magkailang beses mang bumisita at walang bit-bit na payong sa bawat pag-ulan,
Sapat ang lilim mo para hindi ako tuluyang mabasa,
Sapat ang pagsandig ko sa'yo sa bawat pagkadapa.
Sa paglipas man ng mga araw at maraming dahon man ang sa iyo'y nalagas,
Heto ka't, heto ako, nagpapatuloy.
Malakas at hindi natitibag ng ulan.
Sa akin ay hindi ka basta-basta "puno" lang,
Isa kang kanlungan,
Isa kang karamay,
"Puno" ka ng ala-ala,
Isa kang kaibigan.
Comments
Post a Comment